May bago akong natutunan at nais kong ibahagi ang kaalaman na to, nasubukan na namin ito dito sa opisina at namangha talaga ako dahil first time ko lang tong gawin, OO mangmang ako, pero dahil na rin sa nagtuturo sa akin natututo ako pakonti konti.
yung title ng blog nato ay "Creating LAN network with USB broadband as an ISP"
kwento ko muna bakit napunta kami sa gantong title, kasi nung pumasok ako dito dinala ko ung USB Broadband na pinahiram sa akin ng isang user sa pinagdeployan kong kompanya para daw ma check ko kung ano ang problema, sa palagay ko walang problema ung broadband maaring ung usb port ng user ang problema dahil napagana ko naman sa isa sa mga kompyuter dito sa training room, napatingin si Boss sa akin, sabi nya "ibahagi mo naman yang koneksyon mo" ako naman ay napaisip paano ko gagawin un?? nadale ko naman agad so papakita ko na lang dito kung pano ko sya nagawa.
STEP 1:
Konek mo muna ung usb broadband sa kompyuter na ginagamit mo.
STEP2:
Punta ka sa network and Sharing center, klik mo ung change adapter settings. Dapat makikita mo na ung dalawa mong koneksyon, ung LAN connection at ung Broadband connection tulad ng nasa larawan:
STEP3:
kung nakikita mo ung Broadband connection mo Right Click mo un, pag hindi mo nakikita iyak ka na, jowk lang, malamang na unplugged pero dapat makikita mo un.
STEP4:
Click mo naman ung properties, at dapat lalabas na ung katulad sa larawang ito:
STEP5:
Click mo ung Sharing Tab at lalabas dun ung Internet Connection Sharing, Check mo ung Box na nakalagay "Allow other network users to connect through this computer's internet connection" tulad ng nasa larawan:
STEP 6:
CLICK OK, then ung Lan Cable ng mismong computer na un ilagay nyo sa Switch or sa Router config nyo lang pede ring computer to computer yung koneksyon ng lan cable.
Sana ay nakatulong ^_^ God Bless sa lahat :)



No comments:
Post a Comment